Alabok (Original) - Acoustic Version
Alabok (Original) - Acousti... Lyrics & Chords
An Original Composition by Mr. Nicolas M. Bayan
Performed by Oxygen ’10 HCPSMSHS
Download Link: http://www.4shared.com/audio/xT4nz22D/Oxygen_-_Alabok.html
I.
Pisngi ng nakaraan aking nasilayan
Ganda ng kalikasang aking inaasam
May awit ang hangin may musika ang ilog
Ang mga ibo’y malayang lumilipad, sumasayaw sa pnuo.
Kalaro ng kalikasan.
II.
Ang mga bata’y masayang nagtatampisaw
Sa saliw ng malamig na ulan
O kaysarap na balik-balikan, panahong nakaraan
Kung saan ang tao’t inang kalikasan
Iisa ang pusod at magkarugtong ang buhay
Koro:
Kaibigan kilos na, mundo nati’y iisa
Pag ito’y nawala, ahat ay maglalaho
Buhay ko at buhay mo sa alabok hahalo
Kalikasan ay mahalin, ibalik ang ningning
Daigdig gamutin sugat ay paghilumin
Para sa kinabukasan mo ito’y iyong mahalin.
III.
Hindi pa huli ang kahapo’y buhay
Muling damhin init ng araw na di nakakapaso
Isip paliparin, kalawaka’y tuklasin
Sa piling ng ibon, sa kandungan ng kalikasan
Ningning ng paligid ay isa na lang ang kasaysayan.
Bridge:
Ngunit ngayon kaibigan iyong pagmasdan
Ikaw at ako ang siyang may kasalanan
Kung bakit inang kalikasan nagdaramdam
Hanggang kalian ka walang pakialam.
*Ulitin ang koro
Actual Performance: Played with 4 guitars, 2 violins, Beatbox
Info
September 26, 2010
Stats
- 75 Plays
- 0 Favorites
- 0 Likes
- 0 Comments
- 1 Alabok (Original) - Acousti... MP3 Download
Search Keywords


No comments yet. Be the first to comment